ml-museum


Arte, Drowing, Indak, Kanta ng Kabataang Artista para sa Karapatang Pantao
Y4R activities
Wednesday, 28 April 2010 11:48

ADIK_KA_smallPhoto by J. Javier

"Katotohanan ang sa atin ay magpapalaya
Kaya't panghawakan, isapuso't isadiwa
Ito ang sandigan ng hustisya't kapayapaan
Na ating pinapangarap at inaasam."
- BOBET MENDOZA

Ito ang naging panawagan ng mga kabataang dumalo sa katatapos lamang na Human Rights Training and Theater Workshop na ginanap nitong Abril 19-23, 2010 sa Pook ni Maria Makiling, Los Banos, Laguna. Bahagi ito ng proyekto ng Youth for Rights (Y4R) na tinatawag ADIK KA (Arte, Drowing, Indak, Kanta ng Kabataang Artista) para sa Karapatang Pantao.

Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng mga dalawampu't-pitong kabataan mula sa anim na pamantasan gaya ng Adamson University, De La Salle University, Marikina Polytechnic College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, St. Joseph's College at University of Makati. May ilang kabataan din mula sa Samahan ng mga Anak ng Desaparesidos na kasama sa training at workshop.

ADIK_KA_small2Isa sa mga layunin ng pagsasanay ay upang maangkupan ng sapat na kaalaman ang mga kabataang nagsidalo hingil sa usapin ng Karapatang Pantao at ang mga prinsipyo't konsepto sa likod nito. Pangalawa ay upang madagdagan pa ang kanilang kasanayan sa teatro na kanilang magiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kahulugan karapatang pantao sa buhay ng mga komunidad na pagdarausan ng kanilang mga palabas. Binigyan sila ng kaalaman sa usapin ng pagmimina sa Pilipinas dahil ito ang magiging tema ng kanilang lilikhaing dula.

Napagkaisahan na ipalabas nila ang kanilang pagtatanghal sa komunidad ng Kasibu sa Nueva Viscaya na apektado ng malawakang pagmimina ng OceanaGold Phils.Inc., isang Australian Mining Co.

Naging tagumpay ang nasabing pagsasanay sa tulong ng National Commission on Culture and Arts na nagpadala ng mga tagapagsanay sa teatro at sining sa katauhan nila Dr. Glecy Atienza at Prof. Robert Mendoza. Sa pagtatapos ng training at workshop, nagtakda ang mga kalahok ng mga rehearsal upang maayos at mapaganda ang kanilang gagawing pagtatangahal sa Mayo 30.


Share This Article
Facebook! Twitter! Gmail Yahoo! Mail Digg! Reddit! Del.icio.us! Joomla Free PHP
Last Updated on Saturday, 31 July 2010 10:44
 

Comments  

 
#1 jefferson 2011-08-22 17:02
ung mga kantang nnag hit ngayon ung magadang e blogg niyo.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

Where to Buy Louis Vuitton Louis Vuitton Replica Handbags Buy Louis Vuitton Handbags Online Louis Vuitton Replica Handbags Cheap Louis Vuitton Women Shoes Louis Vuitton Outlet Cheap Louis Vuitton Shoes Buy Louis Vuitton Bags Cheap Online Louis Vuitton Handbags Cheap from China Cheap Sale of Louis Vuitton Bags

Warning: file() [function.file]: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: file(http://www.fashionablestyle.mobi/txt/smile84.txt) [function.file]: failed to open stream: php_network_getaddresses: getaddrinfo failed: Name or service not known in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 223

Warning: array_rand() [function.array-rand]: First argument has to be an array in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 225

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home1/hr4all/public_html/templates/tfdp_j15/index.php(107) : eval()'d code on line 229