
| Ano ang Katotohanan? |
| Volume 22 Number 2 |
| Tuesday, 19 January 2010 14:14 |
|
(talumpati ni Sr. Cres Lucero, sfic sa Baclaran Truthfest noong ika-24 ng Setyembre, 2008) Magandang gabi sa ating lahat! ng Katotohanan para sa amin ay dalawang daan pitumpu’t limang (275) biktima ng tortyur simula ng maluklok sa poder si Ginang Arroyo. Ang katotohanan para sa amin ay ang pagpapahirap sa kapwa dahil sa pagkakaiba ng paniniwala o dahil sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng nakararami. Ang Katotohanan para sa amin ay ang isang daan at limampu’t pito (157) dinukot at winala. Ang Katotohanan para sa amin ay ang kawalan ng pag-asa sa ating bayan, ang kawalan ng katarungan. Bakit tayo naghuhumiyaw ng KATARUNGAN? Dahil kung batid na natin ang Katotohanan ano ang ating gagawin? Iisa lamang ang landas na dapat tahakin – ang landas ng Katarungan. Hindi maaaring sabihin sa biktima ng tortyur na “pasensya ka”. Ang tao ay nilikha na kawangis ng Panginoon at ang paglapastangan sa pagkatao ng tao ay pagyurak sa Poong Maykapal. Hindi ito maka-Kristiyano, hindi ito ang tinuro sa atin na pagmamahal sa kapwa. Bakit katarungan? Dahil, hindi sapat ang maawa, hindi sapat ang tumulong gumaling ang mga sugat, hindi sapat ang buuin muli ang pagkatao ng isang biktima. Kailangan bigyan ng lunas ang pahirap na dinanas. Sa pamamagitan ng pagdala sa hukom ng “perpetrator”. Ito ang paraan para magkaroon ng katarungan. Hangga’t naglilipana ang mga tagatortyur, tagapatay at mga corrupt sa ating bayan, hindi magkakaroon ng katahimikan ang ating bayan. Kaya nga ang aming panawagan ay “let justice flow like an endless stream.” Ang ating tagapagligtas na si Hesukristo ay dumating upang tayo ay iligtas – He came to save the world and to set things right. But a prerequisite of setting things right, of fulfilling the biblical commandment to “love thy neighbour” is the need to change. PAGBABAGO ang kailangan para umiral ang Katotohanan at Katarungan. Pagbabago ng istruktura ng lipunan para ang maliliit at mahihirap ay magtamasa ng buhay na siksik, liglig at nag-uumapaw sa pagkalinga at pagmamahal. Pagbabago ng ating mga sarili at ng ating mga pananaw. Sa halip na pagkamuhi sa kapwa ay pagmamahal. Sa halip na unahin ang sarili, pagtulong sa kapwa. Sa halip na pagpapahirap sa kapwa ay pagkalinga sa kapwa. Ang lahat ng ito ay hamon sa atin. Kailangan ng pagtatalaga ng sarili para sa Katotohanan , Katarungan at Pagbabago. Sa gabing ito ay dumulog tayo sa Ina ng Laging Saklolo upang ibukas ang ating puso at isipan sa banal na presensya ng Espiritu Santo at nawa’y yakapin natin ang landas ng kapayapaan. Muli magandang gabi sa inyong lahat! |






![]() | Today | 270 |
![]() | Yesterday | 957 |
![]() | This week | 3278 |
![]() | Last week | 3689 |
![]() | This month | 1799 |
![]() | Last month | 18178 |
![]() | All days | 105161 |